"Nasyonalismo ng Bandilang Pilipino "
Ang nasyonalismo
ay isang ugali ng tao kung saan binibigay nila ang kanilang katapatan at
prinsipyo sa kanilang bansa. Ito ay dahil mahal nila ang bansang nagmulat ng
kanilang mga mata sa mga oppurtunidad na Makikita rito. Mas pinapahalagahan
nila ang sariling bansa. Bilang isang mamayanan ng bansa, ako ay tutupad sa mga
batas nga ating lipunan at tatangkilikin ko at bibilhin ang mga produkto at
serbisyo na gawa ng kapwa Pilipino. Sa ganitong paraan maaunlad ko ang mga
negosyanteng Pilipino. Kapag ako na ay makapagtapos ng aking pag-aaral,
sisikapin ko na manatili at magtrabaho sa aking bansa upang matulungan ko ang
aking mga kapwa Pilipino. Pahalagan ko an gating kultura sa pagbibigay respeto
sa matanda at sa pagpapahalaga sa ating pamilya. Ang nasyonalismo ay ang
pagsasakripisyo nang sarli para sa bansang kanilang kinamulatan. Sa murang edad
dapat na tayo kikilos at bigyan kahalagan ang pagiging taong may pagmahal sa
sariling bayan.