Huwebes, Marso 10, 2016

Nasyonalismo ng bandilang pilipino



               "Nasyonalismo ng Bandilang Pilipino "

            Ang nasyonalismo ay isang ugali ng tao kung saan binibigay nila ang kanilang katapatan at prinsipyo sa kanilang bansa. Ito ay dahil mahal nila ang bansang nagmulat ng kanilang mga mata sa mga oppurtunidad na Makikita rito. Mas pinapahalagahan nila ang sariling bansa. Bilang isang mamayanan ng bansa, ako ay tutupad sa mga batas nga ating lipunan at tatangkilikin ko at bibilhin ang mga produkto at serbisyo na gawa ng kapwa Pilipino. Sa ganitong paraan maaunlad ko ang mga negosyanteng Pilipino. Kapag ako na ay makapagtapos ng aking pag-aaral, sisikapin ko na manatili at magtrabaho sa aking bansa upang matulungan ko ang aking mga kapwa Pilipino. Pahalagan ko an gating kultura sa pagbibigay respeto sa matanda at sa pagpapahalaga sa ating pamilya. Ang nasyonalismo ay ang pagsasakripisyo nang sarli para sa bansang kanilang kinamulatan. Sa murang edad dapat na tayo kikilos at bigyan kahalagan ang pagiging taong may pagmahal sa sariling bayan.